Mga Wikang Katutubo sa Pagbuo ng Pambansang Panitikan

Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto, itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang temang ”Filipino at mga Katutubong Wika sa Mga Wikang Katutubo sa Pagbuo ng Pambansang Panitikan sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” na naglalayon na itanghal ang pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika. 
Ang Buwan ng wika tuwing agosto ay isang napakahalagang bagay sa  mga Pilipino na ipagdiwang ito sapagkat nagkakaroon ng pagkakaisa ang lahat na pahalagahan at mahalin ang  sariling wika, lalong-lalo na ang mga wikang katutubo. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na maraming wika at tinatawag ang Pilipinas bilang tahanan ng wika sapagkat mayroong mahigit 130 ethnolinguistic groups sa Pilipinas at may kani-kaniyang sariling diyalekto. Kaya tunay talagang  mayaman ang Pilipinas pagdating sa wika at kultura.  

 Ayon kay Almario, mahalagang alagaan ang mga wikang katutubo, na kabilang din sa mga pinagbabatayan ng pambansang wika na Filipino at  kung hindi alagaan ang wikang katutubo ito'y  nanganganib at kung ito'y pababayaan, maaaring maglaho pa nang tuluyan dahil kapag naglaho ang isang wika, tila may isang tahanan o isang bodega ng ating mga alaala at tradisyon ang mawawala at di na mababawi kailanman. Marapat lang napahagahan ang mga wikang katutubo dahil ito ang wika na ginagamit ng mga Pilipino sa araw-araw sa pakikipag ugnayan sa isa't isa. Ginagamit ang wikang katutubo sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan ng bawat isa, sa pamamagitan ng paggamit ng wikang katutubo ay nakakaintidihan ang bawat isa.  Ang katutubong wika  ay siya ring salamin ng lipunan na sagisag sa pambansang pagkakakilanlan at higit sa lahat, pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mamamayan.





Comments